Briefer on How an Epidemic Happens and What is an Epidemic Wave

| Posted by UP Media and Public Relations Office

Briefer on How an Epidemic Happens and What is an Epidemic Wave

Mary Grace Dacuma, Ph.D.*
University of the Philippines, Los Baños

 

 

The COVID-19 epidemic in the Philippines has most likely started with an imported case from an infected person or persons who entered the Philippines. This infected person or persons with the virus is/are the index case(s) that spread the virus to others locally. The index case(s), especially those that did not cause local transmission, does not form part of the epidemic wave.

When the virus is transmitted locally to other people, there is an incubation period. For COVID-19, the incubation period (meaning the virus infecting the new host but without any symptoms/clinical signs yet) can be on average 5.2 days up to 14 days. That is why you see a flat line after the introduction of the index case (see Figure).

 

 

After the incubation period, newly infected hosts develop symptoms and clinical signs – that is why they seek medical attention. In addition, because of the threat of the pandemic, our country increased its vigilance and capacity to screen more people. Hence, you can see the rapid spread and increase of cases (see Figure). The ease of movement of people by plane, land transportation, or boat made it very easy to spread the virus across the Philippines. Hence, we have an epidemic (meaning it has spread all over to many provinces and infecting thousands of people).

We will know that we have reached the peak of the curve when the net increase in the number of active cases is starting to decline (because of lockdowns, country-wide vigilance, etc.). Eventually, there will be reduction in number of cases (where the number of infected people recovering will be higher than those becoming infected). Then there will be a point where there are no more cases. That’s when we know the epidemic has stopped.

That curve from the rapid rise of local cases to reaching the peak to reduction in number of cases to the extinction of an epidemic is one epidemic wave. I did not include the index cases that started the epidemic in the “wave”. They acquired infection elsewhere out of the country.

 

 

 

Note: The term epidemic instead of Pandemic was used because the COVID-19 infection is spreading locally. It is a pandemic because it is now in 213 countries and territories infecting millions of people. This is just a simplified curve or wave for an epidemic. It can be more complex when we plot actual data.

*The author is a member of the UP Covid 19 Pandemic Response Team and the UPLB Kontra Covid19. She is a Molecular Epidemiologist and Ph.D. graduate from the London School of Hygiene and Tropical Medicine.


Paliwanag Kung Paano Nagaganap ang Isang Epidemya at Ano ang Ibig Sabihin ng Epidemic Wave

Mary Grace Dacuma, Ph.D.
University of the Philippines, Los Baños
(salin sa Filipino ng orihinal na Ingles)

 

 

Ipinagpapalagay na nagsimula ang epidemyang COVID-19 sa Pilipinas nang magkaroon ng imported na kaso mula sa isang tao o mga taong may impeksiyon na pumasok sa Pilipinas. Ang tao o mga taong may virus na ito ay ang pinakaunang natukoy na kaso ng nakahahawang sakit (index case) na nagkalat ng virus sa iba dito sa bansa. Hindi kabilang ang (mga) index case, lalo na yaong hindi naman naging dahilan ng lokal na transmisyon, sa bugso ng epidemya (epidemic wave).

Kapag nagkaroon ng lokal na transmisyon ng virus sa ibang tao, may panahon ng ingkubasyon (ibig sabihin nito na nahawa na ng virus ang isang tao ngunit wala pang anumang sintomas o klinikal na mga senyales) na karaniwang 5.2 araw hanggang 14 na araw lumalabas. Iyon ang dahilan kung bakit may patag na linya pagkaraang magkaroon ng index case (tingnan ang Pigura).

 

 

Pagkaraan ng panahon ng ingkubasyon, unti-untinang nagkakaroon ng sintomas at klinikal na mga senyales ang mga taong nahawahan–kaya sila humingi ng atensiyong medikal. Dagdag dito, dahil sa banta ng pandemya, mas pinaigting ng bansa ang pag-iingat at dinagdagan ang kapasidad sa screening ng mas maraming tao. Kaya, makikita ninyo ang mabilis na paglaganap at pagdami ng mga kaso (tingnan ang Pigura). Ang kaluwagan sa pagbiyahe sa eroplano, mga transportasyong panlupa, o sa bangka at barko ang higit na nagpabilis sa paglaganap ng virus sa Pilipinas. Kaya, nagkaroon tayo ng epidemya (ibig sabihin, kumalat na ito pati sa maraming probinsiya at nakapanghawa ng libo-libong mga tao.)

Malalaman natin kung narating na natin ang pinakarurok ng kurba kapag ang kabuoang pagtaas ng bilang ng aktibong kaso ay nagsisimula nang bumaba (dahil sa mga lockdown, pinaigting na pag-iingat sa buong bansa, at iba pa). Sa huli, magkakaroon ng pagbaba sa bilang ng mga kaso (mangyayari ito kapag mas marami ang bilang ng gumagaling kaysa mga nahahawahan). At pagkaraan ay may puntong wala nang maitatalang anumang kaso. Doon natin malalaman na napigil na ang epidemya.

Yaong kurba mula sa mabilis na pagtaas ng bilang ng lokal na mga kaso hanggang marating ang pinakarurok hanggang sa pagbawas ng bilang ng mga kaso hanggang sa lubusang pagkasugpong isang epidemya ay ang tinutukoy na isang bugso ng epidemya (epidemic wave). Hindi ko isinama ang mga index case na nagsimula ng epidemya sa “bugso.” Nakuha nila ang impeksiyon sa ibang lugar sa labas ng bansa.

 

 

 

Tala: Ginamit ang terminong epidemya sa halip na pandemya sa dahilang ang impeksiyong COVID-19 ay kumalat nang lokal sa bansa. Pandemya ito ngayon sa 213 mga bansa at mga teritoryo at nanghawa ng milyong-milyong tao. Pinasimpleng kurba o bugso lamang ito ng isang epidemya. Maaaring magkaroon ng higit na kabuoan kapag ginamit natin ang aktuwal na datos.

Ang awtor ay kasapi ng UP COVID-19 Pandemic Response Team at ng UPLB Kontra Covid19. Isa siyang Molecular Epidemologist at nagtapos ng PhD mula sa London School of Hygiene and Tropical Medicine.