Suma’t Suri: UP Basic Education Summit 2024

| Posted by Opisina ng Faculty Regent

Magaganap sa Pebrero 29 hanggang Marso 1 ang Suma’t Suri: UP Basic Education Summit 2024. Idaraos ito sa Alcantara Hall, Student Union Building sa UP Diliman, Quezon City.

Layunin ng University of the Philippines (UP) Basic Education Summit 2024 na magkaroon ng talakayan hinggil sa mga usapin ng kapakanan, karapatan, at kagalingan ng mga guro mula early childhood education hanggang high school sa Unibersidad ng Pilipinas.

Inaasahan na ang gawaing ito na maging daluyan sa pagrebyu ng mga polisiya at paglalatag ng mga panukala kaugnay ng mga usaping akademik, pang-ekonomiya, at pisikal-mental na kalagayan ng mga guro sa basic education sa UP.

Inorganisa ang UP Basic Education Summit 2024 ng All U.P. Academic Employees Union (AUPAEU) at UP Opisina ng Rehente ng Kaguruan (OFR), katuwang ang AUPAEU – Los Baños Chapter, at UP High School Cebu, U.P. High School in Iloilo, U.P. Integrated School, at UP Rural High School.

#UPBasicEdSummit2024 #Tipunan #UPFacultySummitSeries2024