Pasakalye: Pasko sa Kalye


 

Tuwing Disyembre, nagsisimula ang Paskong Pilipino sa katahimikan ng simbahan bago ito umapaw at magbigay-buhay sa ating mga lansangan. Susundan ng 𝐏𝐀𝐒𝐒𝐀𝐊𝐀𝐋𝐘𝐄 ang paglalakbay na ito papasok sa entablado ng UP Theater ngayong Disyembre 10 at 11, 2026, ganap na 6:00 PM.

Sa pangunguna ng UP Symphony Orchestra #OrkestraNgBayan sa ilalim ng kumpas ni Maestro Josefino Chino Toledo, kasama ang UPSO Symphonic Chorus, Philippine Madrigal Singers, Novo Concertante Manila, UP Junior Music Educators’ Guild, UP Junior Philippine Conductors Association, at UP Voice and Music Theater Guild, maririnig ang mga piling bahagi ng Messiah ni Handel sa Tagalog, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, at Chavacano na sadyang isinalin para sa gabing ito.

Makakasama rin sa pagdiriwang si Josef Franco, harmonica at baritone, sa mga awiting sumasalamin sa buhay, pananabik, at saya ng pagdating ng Kapaskuhan sa ating mga lansangan, pati na ang espesyal na partisipasyon ni Prop. Cielo Magno sa saxophone.

Halina at makiisa sa isang gabing puno ng musika, kultura, at tunay na diwa ng Paskong Pilipino sa 𝐏𝐀𝐒𝐒𝐀𝐊𝐀𝐋𝐘𝐄: 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐨 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐲𝐞!


Free admission and open to the public.
Ticket reservations open on November 23, 2026, Monday, 10:00 AM: https://passakalye-upso.eventbrite.com