Pahayag ukol sa Pagkamatay ng UP student na si Kis Tryvl Ramos
Labis na ikinalulungkot ng Unibersidad ng Pilipinas ang balita ukol sa malagim na pagkamatay ng isa sa mga mag-aaral ng UP Cebu na si Kis Tryvl Ramos. Si Kis ay magtatapos na sana sa kanyang kurso nang mabaril siya noong Miyerkules ng gabi sa lugar na kanyang pinagtatrabahuan sa Cebu. Kasama niyang nasawi sa insidente ang isa sa kanyang mga employer na si John Michael Hermoso. Hanggang ngayon ay di pa rin natutukoy kung sino ang mga salarin.
Lubos ang aming pagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga buhay… buhay na puno sana ng pangako at pangarap.
Mariin naming tinututulan at kinokondena ang trahedyang ito. Patuloy kaming umaasa sa paggaling at paghilom ng sugat ng iba pang mga biktima.
Nakikiisa ang Unibersidad ng Pilipinas sa panawagan ng UP Cebu para sa katarungan. Ang buong Unibersidad ay hindi lamang nagluluksa, bagkus nananawagan ng hustisya para kay Kis at sa lahat ng mga biktima ng isang karumaldumal at walang kabuluhang pagpatay.
Pamunuan ng Unibersidad ng Pilipinas
Abril 12, 2019
A Statement on the Death of UP Student, Kis Tryvl Ramos
We received tragic news that one of our graduating students in UP Cebu, Kis Tryvl Ramos, died in a shooting incident Wednesday evening at her place of work in Cebu City. She and one of her employers, John Michael Hermoso, perished at the hands of still unidentified persons.
We mourn the loss of these young lives that were full of promise. We condemn to the highest degree the violence that caused this tragedy. And we hope that those injured may recover and heal.
The University rallies behind UP Cebu’s call for justice. The whole UP community demands justice for Kis and all the victims of such a senseless and vicious act.
University of the Philippines Administration
April 12, 2019